Injured | Killed |
---|---|
0 | 2 |
Date: 17 April 2013
Source: Bombo Radyo
KORONADAL CITY – Nagpapatuloy ngayon ang manhunt operation ng mga otoridad sa mga suspek na nanambang-patay sa isang retiradong pulis sa lalawigan ng North Cotabato.
Kinilala ang biktima na si Felixberto Badayos, dating kasapi ng Philippine Constabulary at residente ng Kidapawan City kasama ang kanyang personal driver na si Danny Simon na residente naman ng M’lang, North Cotabato.
Ayon kay S/Insp. Elias Dandan, chief ng Matalam PNP, nangyari ang ambus sa national highway ng Matalam, North Cotabato.
Inihayag pa ni Dandan na on board ang mga biktima ng green na Isuzu Highlander na may plate No. LDG 620 kung saan binabaybay ng mga ito ang daan pauwing Kidapawan City nang mangyari ang insidente.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad, lumalabas na pinaulanan ng bala ng limang hindi nakilalang mga armado amga biktima sa Purok-Uno, Barangay Kilada sa bayan ng Matalam.
Dead on arrival ang driver ng sasakyan na si Simon ng dinala sa M’lang District Hospital habang namatay din si Badayos habang ginagamot sa Babol Hospital sa Matalam.
Narekober naman sa crime scene ng Alert Team ng Matalam PNP na pinapangunahan ni P/Insp Mautin Pangandigan, ang walong empty slugs ng.45 caliber pistol.
Patuloy pa rin namang inaalam ng mga otoridad ang motibo ng krimen.