Injured | Killed |
---|---|
1 | 0 |
Date: 31 July 2013
Source: Bombo Radyo
NAGA CITY – Nakaligtas sa tangkang pagpatay ang isang magsasaka na pinagbabaril ng dalawang suspek sa Sariaya, Quezon.
Ang biktima ang kinilalang si Jerick Sanggalang Bobadilla Eyik 34 at residente ng Sitio Delanta, Barangay Lutucan Bata.
Batay sa impormasyon, nasa terrace ng kanilang bahay ang biktima ng may dumating na motorsiklo.
Lulan nito ang mga suspek na si Napoleon Rubia CedeƱo Paul 50 at isa pang hindi nakilalang lalaki.
Nang makita ng biktima ang mga suspek kung saan may bitbit na baril, agad itong tumakbo.
Ngunit pinaputukan ito ng mga suspek kung saan tumagos sa kanyang kanang hita at kaliwang binti.
Sa kabila ng kanyang tinamong tama, nakatakas pa rin si Bobadilla, habang tumakas naman ang mga suspek na pinaghahanap na ngayon.
Sa pagresponde sa lugar, narekober ng otoridad ang 3 empty shell ang calibre 45.