Magsasaka sugatan nang barilin ng riding in tandem

Injured Killed
1 0

Date: 31 March 2013
Source: Bombo Radyo

DAGUPAN CITY – Sugatan ang isang magsasaka matapos itong barilin ng riding intandem sa lungsod ng Urdaneta, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Ronaldo Gascon, 44, may asawa at residente ng Brgy. Camanang sa nasabing lungsod.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, naglalakad ang sa nasabing barangay nang biglang hintuan ito ng riding in tandem at binaril gamit ang cal. .45 na baril.

Matapos ang insidente ay mabilis namang tumakas ang mga suspek.

Suwerte namang sa kaliwang kamay lamang tinamaan ang biktima at agad na naisugod sa pagamutan ng bayaw nito.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang anim na basyo ng bala.