Magsasaka sa Albay, binaril sa ulo-patay

Injured Killed
0 1

Date: 17 April 2013
Source: Bombo Radyo

LEGAZPI CITY – Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin mapagtanto ng mga otoridad ang tunay na motibo sa pangbabaril-patay sa isang magsasaka sa bayan ng Libon, Albay.

Bandang alas-7:15 kagabi nang mangyari ang insidente kung saan bigla na lamang bumulagta ang biktima na si Dominguito Quiapo y Lanuzo, 65, habang kausap nito ang kanyang anak na si Richard Quiapo y Atian sa kusina ng kanilang bahay sa Sitio Calambay, Zone 7, Brgy. Bulusan, nasabing bayan.

Sa impormasyon na ipinaabot sa Bombo Radyo Legazpi ng Libon Municipal Police Station, sinasabing mayroong putok ng baril na narinig at laking gulat na lamang ni Richard nang matumba ang kanyang ama at tumatagas na ang dugo mula sa ulo nito.

Sa ngayon hindi pa rin malaman ng mga otoridad ang suspek sa pagbaril gayundin ang tunay na motibo ng krimen.