Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 03 May 2013
Source: Bombo Radyo
LEGAZPI CITY – Binaril hanggang sa mapatay ng tatlong kalalakihan ang isang magsasaka sa Sorsogon.
Kinilala ang biktima na si Jaime Estrabela Furio, 61, ng Sitio Parik, Purok 7, Brgy. Gadgaron, Matnog, nasabing lalawigan.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, bandang alas 1:30 ng hapon, ng dumating ang tatlong hindi pa nakikilalang mga armadong kalalakihan sa bahay ng biktima.
Dito na inimbitahan si Estrabela ng tatlo na mag-usap sa bulubunduking bahagi ng kanilang lugar malapit lamang sa kanyang tinutuluyan.
Tumanggi naman ang magsasaka kung saan, ilang minuto lamang ang lumipas nang marinig na ang sunod-sunod na putok ng baril.
Agad naman na dumating ang anak nang biktima subalit wala ng buhay ng madatnan nito ang ama na tadtad ng tama ng baril sa ulo at katawan habang tumakas naman sa hindi malamang direksyon ang mga suspek.
Na-recover sa crime scene ang empty shells mula sa M16 rifle.
Ayon sa biktima, away sa lupa ang posibleng motibo ng nasabing krimen.