Magsasaka patay sa away sa lupa sa Albay

Injured Killed
0 1

Date: 05 June 2013
Source: Bombo Radyo

NAGA CITY – Patay ang isang magsasaka nang tagain at barilin dahil sa away sa lupa sa bayan ng Guinobatan sa probinsya ng Albay.

 

Kinilala ang suspek na si Fernando Paeta, 52, ng Barangay Quibungbungan sa naturang bayan.

 

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga, nabatid na natagpuan na lamang ang duguan nitong katawan sa tabi ng kalsada ng Sitio Sagaysay, Barangay Magiron sa parehong bayan.

 

Inihatid lamang umano nito ang asawa sa lungsod ng Iriga kung saan ito nagtitinda nang abangan ng suspek ang biktima sa pagbalik nito.

 

Maliban sa pananaga, paniniwala ng mga otoridad ay binaril din ang biktima dahil sa narekober na bala ng caliber 38 na baril.

 

Away sa lupa ang tanging nakikitang motibo ng mga otoridad sa nangyaring pamamaslang sa biktima kung saan matagal na umano itong nakakatanggap ng mga pananakot mula sa ibang nag-aangkin ng lupa ng pamilya ng biktima.

 

Sa ngayon ay hindi pa pinangalanan ang mga suspek habang patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad para sa hustisya sa namatay na magsasaka.