Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 03 May 2013
Source: Bombo Radyo
LEGAZPI CITY – Walang inirekomendang pyansa ang korte sa magkaibigang mangingisda at magsasaka matapos na maaresto ng mga otoridad sa Masbate.
Ito’y dahil sa kinakaharap na kasong arson ng mga suspek na kinilalang sina Raymundo Abo-Abo y Salcedo, 40 at Dandy Abo-Abo y Salcedo, 36, kapwa residente ng Sitio Cambestro, Brgy Sawang, Batuan nasabing lalawigan.
Sa ulat, bandang alas 7:00 ng umuga, bitbit ng tropa ng Batuan Municipal Police Station, 2nd Manuever Coy. 5th RPSB at 9th IB, 9th ID, Philippine Army ang warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Arturo Clemente Revil, presiding Judge ng RTC Branch 50 San Jacinto, naaresto ang mga suspek.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ang dalawa ng Batuan MPS para sa tamang disposisyon.