Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 31 March 2013
Source: Bombo Radyo
NAGA CITY – Arestado ang isang magsasaka matapos manutok ng baril sa hindi pa malamang dahilan sa Barangay Malasugui, Labo, Camarines Norte.
Kinilala ang suspek na si Richard Balbaira, 32, ng nasabing lugar.
Inireklamo si Balbira matapos tutukan ng baril ang kapwa magsasakang si Wilfredo Suzano sa hindi pa malamang dahilan.
Nakuha sa kaniyang pag-iingat ang kalibre .38 revolver at anim na live ammunition.
Kasong illegal possession of firearms at paglabag sa Comelec election gun ban ang kakaharapin ng naturang suspek.