Magsasaka, basag ang ulo sa pamamaril

Injured Killed
0 1

Date: 13 April 2013
Source: Bombo Radyo

LAOAG CITY – Patay ang isang magsasaka sa Brgy. San Julian, Solsona, Ilocos Norte matapos mabaril ang ulo kagabi.

Nakilala ang biktima na si Ceferino Pasion Jr. Alyas Junjun, 37, may ka-live-in, isang magsasaka at mag-uuling at residente sa naturang barangay.

Unang isinugod ng mga kasapi ng PNP Solsona sa Piddig District Hospital ang biktima ngunit inilipat sa Gov. Roque Ablan Sr. Memorial Hospital (GRASMH) sa lungsod ng Laoag.

Ayon kay Dr. Ric Caday ng GRASMH, ang biktima ay nagtamo ng bala sa kanyang ulo kung saan ang entry point ay sa likod ng ulo at lumabas naman sa noo nito.

Sa tindi ng tama ng ulo ng biktima ay lumabas ang ilang bahagi ng kanyang utak.

Paliwanag naman ng kapatid ng biktima na si Celso Pasion, nangyari ang insidente habang sila’y nag-iinuman ng kanyang kapatid at ang isa nilang pinsan nang bigla na lamang nakarinig sila ng putok at tinamaan si Ceferino.

Wala siyang alam na dahilan kung bakit nabaril ang kapatid na dahilan ng pagkamatay nito.