Magnanakaw patay, 1 pa sugatan nang barilin ng segurity guard sa Zamboanga

Injured Killed
1 1

Date: 05 March 2013
Source: Bombo Radyo

ZAMBOANGA CITY – Patay ang isang hinihinalang magnanakaw at malubhang nasugatan ang isa habang nakatakas naman ang dalawa pa nitong kasamahan matapos mabaril ng isang security guard makaraang mahuli sila sa akto na nangunguha umano ng mga scrap metal sa loob ng isang canning factory sa may Barangay Cawit west coast ng Zamboanga City. Kinilala ang namatay na si Jerry Jucay Alia, 32, residente ng bayan ng Gutalac sa lalawigan ng Zamboanga del Norte, at ang sugatan nitong kasamahan na si Wilson Allones Alam, 28, ng Barangay Maasin ng lungsod. Batay sa imbestigasyon ng Zamboanga City police station 9, bandang ala-1:00 ng hapon kahapon, unang nagpaputok ng warning shot ang security guard na si Jarrin Mohammad Baginda, 20, nang makita niya ang mga suspek na dinala ang ilang sako ng scrap metal. Hindi umano pinansin ng mga suspek ang security guard kaya binaril na sila nito gamit ang kanyang issued carbine rifle na nagresulta sa pagkamatay ng isang suspek at pagkasugat ng isa pa. Kasalukuyang nakakulong ngayon sa selda ng pulisya ang nakabaril na security guard habang iniimbestigahan ang insidente. (MRDS)