maglola, kinatay

Injured Killed
0 2

Date: 31 January 2013
Source: abante tonite online

 

 

Tadtad ng saksak ang isang maglola nang ma­tagpuan sa kanilang bahay sa lalawigan ng Cebu kamakailan.


Kinilala ang maglolang biktima na sina Patricia Batoy, 74, at apo nito na si Angelica Pasilaban, 9, grade 3 pupil, ng Vito Elementary School, na kapwa nakatira sa Sitio Kabangbang, Bantayan Island Cebu.


Natagpuan ang dalawa sa kama na kapwa naliligo sa kanilang sariling mga dugo dahil sa 14 saksak na tinamo ni Batoy at anim na saksak na tinamo naman ng paslit.


Habang agad namang naaresto ang dalawang suspek na kinilalang sina Ruben Tabion, 20, at Romel dela Peña, 21, na papatakas sakay ng barkong patu­ngong Negros Occidental nang madakip ng mga pulis.


Sinabi naman ni Philippine National Police (PNP) Bantayan Chief of Police Insp. Ildefonso Miranda Jr., na natagpuan ang maglola dakong alas-5:30 ng umaga nitong Lunes ng isa sa mga kapitbahay nito matapos na hindi na sumasagot si Batoy nang tawagan.


Bago ang krimen ay nakita pa umano ng mga kapitbahay na bumili ng alak ang mga suspek sa tindahan ng matandang biktima kasabay ng pagtahol ng mga aso sa lugar pagkatapos noon ay wala na umano silang narinig pa.


Sa inisyal na imbestigayson ng PNP dumaan sa bakod ng mga biktima ang mga suspek at pinasok ang bahay ng mga ito bago pinagsasaksak at kinuha ang P40,000 cash, isang gintong hikaw at identification card ni Batoy na nakita mismo sa mga gamit ng dalawang suspek.


Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng PNP ang dalawang suspek na nahaharap sa kaukulang kaso. (Amihan Sabillo)