Injured | Killed |
---|---|
2 | 0 |
Date: 17 February 2013
Source: Bombo radyo feb 17, 2013
Magkasintahan sugatan nang barilin sa Bukidnon
FacebookTweetEmailShareThis
CAGAYAN DE ORO CITY – Pinaniwalaang love triangle ang dahilan sa pagbaril ng magkasintahan sa Brgy Tampalong sa bayan ng Talakag sa lalawigan ng Bukidnon.
Kinilala ang mga biktima na si Emmanuel Habla, 20, at Jenelyn Cajilya, 24, na kapwa residente sa nasabing lugar.
Nasa pamamahay ng kanilang kaanak ang mga biktima nang sila ay binaril ng hindi nakilalang mga salarin gamit ang carbine rifle.
Nagtamo sa kanang paa si Habla habang si Cajilya naman ay sa gilid ng kanyang katawan dahilan para agad silang dinala sa Northern Mindanao Medical Center.
Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang nasabing pangyayari.