Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 18 February 2013
Source: Bombo Radyo
NAGA CITY – Nabalot ng takot ang sana’y masayang pagdiriwang ng Valentine’s day ng magkasintahan matapos mabiktima ng mga holdaper sa lungsod ng Naga.
Sa ulat ng Naga City Police Office, nabatid na naglalakad lamang sa kahabaan ng PeƱafrancia Avenue sa naturang lungsod ang magkarelasyong Riza MontaƱez at Jay Francis Amoma nang bigla silang harangin ng tatlong mga lalaking lulan ng motorsiklo.
Ayaw sanang ibigay ni Amoma ang bag na dala-dala ng kasintahan subalit natakot umano sila nang tutukan siya ng ice pick ng isa sa mga suspek.
Nakuha sa kanila ang isang cellphone na nagkakahalagang P5,000 at P200.