Injured | Killed |
---|---|
0 | 3 |
Date: 29 September 2013
Source: Bombo Radyo
TACLOBAN CITY – Labis ang hinagpis ngayon ng pamilya ng dalawang menor de edad sa Leyte matapos pagtatagain-patay ng kanilang kapit-bahay habang natutulog ang mga ito sa mismong pamamahay ng mga biktima.
Kinilala ang mga biktima na sina Cristine Mae Badyao, 8, Grade 2 at ang bunso nitong kapatid na si Joven Badyao, 2.
Kaugnay nito, napatay din ang suspek na si Ariel Rias, 42, residente ng Barangay Anibongon, Abuyog, sa nasabing probinsya matapos pagtulungan ng mga residente na pagbabatuhin.
Ayon kay Pol. S/Insp. Catalino Laudia, hepe ng Abuyog Municipal Police Station, nabatid na nagalit ang suspek sa ina ng mga biktima matapos hindi ito binigyan ng kanin.
Napag-alaman naman mula sa pamilya ng suspek na pinaniniwalaang may deperensya ito sa pag-iisip.