Injured | Killed |
---|---|
2 | 0 |
Date: 04 October 2013
Source: Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines – Agaw-buhay ngayon ang magkaibigan makaraang pagbabarilin ng kanilang kaaway sa Bayugan City, Agusan del Sur kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga biktima na sina Angging Baclado, 28; at Tammy Razo, 22; kapwa nakatira sa Purok 4A, Barangay Bugac sa nasabing lungsod. Arestado naman ang suspek na si Ernesto Salvan, 46, na itinuro ng mga testigo na responsable sa pamamaril sa magkaibigan. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, nakikipanood ng telebisyon sina Baclado at Razo sa labas ng tahanan ni Gloria Taer na nakabukas ang pintuan nang lapitan at pagbabarilin ng suspek. Narekober naman sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol kung saan lumilitaw naman sa imbestigasyon na personal na alitan ang motibo ng supek.