Mag-ina kinatay ng ex-bf

Injured Killed
0 2

Date: 08 August 2013
Source: Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng anim na buwang buntis na misis at  anak nitong babae makaraang pagtatagain ng dating nobyo noong Martes ng umaga sa Barangay JP Laurel, bayan ng Malungon, Sarangani.

Sa phone interview, kinilala ni P/Chief Inspector Lurobe Rojo ang mag-inang Mary Jane Baldonado, 18; at ang isang taong gulang na si Marie Love.

Nadamay din sa krimen ang nasa sinapupunan ni Mary Jane

Natukoy naman ang suspek na si Sherwin Lim, 26, na pinsan pa mismo ng mister ni Mary na si Ruel Baldonado.

Naganap ang krimen matapos na pasukin ng suspek sa bahay ang mag-ina na walang kasama matapos na magtungo sa bukid ang mister nito na may 50-metro ang layo sa crime scene.

Agad na pinagtataga ng suspek ang dating kasintahan kung saan narinig pa ng kaniyang mister ang sigaw ni Mary na humihingi ng saklolo kaya napatakbo ito at inabutan pa ang suspek habang patakas.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nagawa namang habulin ni Ruel ang pinsan at naagaw pa ang itak na ipinampatay sa kaniyang mag-ina kung saan nagtamo rin ito ng dalawang taga sa katawan.

Sa ospital na inabutan ng pulisya ang suspek na ngayo’y nahaharap sa kasong 3 counts ng murder kaugnay ng planadong krimen kung saan lumilitaw na matinding selos ang motibo.