Injured | Killed |
---|---|
2 | 0 |
Date: 31 August 2013
Source: Bombo Radyo
ZAMBOANGA CITY – Patuloy na nilalapatan ng lunas ngayon sa ospital ang mag-asawang negosyante na nasugatan makaraang tambangan ng hindi nakilalang suspek sa may Sitio Dumakiton, Barangay Lower Dimaya, Dinas, Zamboanga del Sur.
Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Jonard Cabasag Baes, 45, at Emilda Abiso Cabasag, 49, negosyante ng isda at residente ng Barangay Legarda Dos ng nasabing munisipyo.
Sa ulat ng Dinas municipal police station, nakasakay ang mag-asawang biktima sa isang motorsiklo nang tambangan ng mga suspek.
Nagtamo ng tama ng bala sa kanyang binti ang si Jonard habang tatlong bala naman ang tumama sa katawan ng kanyang misis.
Inaalam pa ngayon ng otoridad kung ano ang posibleng motibo ng pananambang at pagtukoy sa mga salarin. (MRDS)