Injured | Killed |
---|---|
1 | 2 |
Date: 31 August 2013
Source: Bombo Radyo
ZAMBOANGA CITY – Dead on the spot ang mga-asawang guro habang nasa kritikal naman ang kondisyon ang isa pang biktima sa insidente ng pananambang na nangyari sa harap ng isang rubber plantation sa may Barangay Maloong Canal, Lamitan City sa lalawigan ng Basilan.
Base sa ulat mula sa Lamitan City police station, kinilala ang mag-asawang nasawi na sina Rodolfo Saavedra, nagtuturo sa East Elementary School sa Lamitan City at ang misis nitong si Gloria Saavedra, guro naman ng Kaumpurnah Elementary School sa parehong lungsod.
Una rito, pasado ng hapon kahapon habang pauwi na sana ang mga biktima sa kanilang bahay sakay ng isang motorsiklo nang barilin ng mga suspek.
Nabatid na kagagaling pa lamang ng mga biktima sa pagbisita sa kanilang mga kaanak sa Lamitan City.
Pagkatapos ng insidente tinangay ng mga suspek ang motorsiklo ng mga ito saka kaagad nakatakas.
Inilipat na sa isang ospital sa Zamboanga City ang isa pang biktima na si Ellen Joy Cubico dahil sa maselan nitong kalagayan.
Si Cubico ay kapatid umano ng nasawing babaeng guro at nakisabay din lamang sa mag-asawang guro sa pagbisita sa kanilang mga kaanak.
Sa inisyal na impormasyong inilabas ng kapulisan sa Basilan, hindi pa nila tinukoy kung sino ang posibleng grupo na responsible sa panibagong insidente ng pananambang.
Pagnanakaw ang isa sa nakikitang motibo sa krimen. (MRDS)