Injured | Killed |
---|---|
2 | 0 |
Date: 22 May 2013
Source: Bombo Radyo
VIGAN CITY – Sugatan ang mag-asawa matapos paulanan ng bala ang kanilang bahay habang naghahapunan sa Alinnayab, Pidigan, Abra.
Nakilala ang mga biktima na sina Rodolfo Cabotaje, tricycle driver at Cameliza Cabotaje.
Ayon sa salaysay ng mag-asawa, naghahapunan sila nang may humintong tricycle sa kanilang bakuran lulan ang hindi pa malamang bilang ng kalalakihan.
Nang silipin ng mag-asawa, ang mga suspek ay bumunot na ng baril at pinaulanan ng bala ang kanilang bahay.
Natamaan ang tiyan ng mister habang sugatan din ang maybahay nito dahil sa mga tumalsik na bubog ng kanilang bintana.
Narekober sa kanilang bahay ang 30 basyo ng carbine 30 at kalibre .45 na baril.
Wala namang alam ang mag-asawa kung ano ang motibo ng pamamaril.
Kasalukuyan pang nagpapagaling ang mga biktima habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng kapulisan