Mag-asawa niratrat sa bahay

Injured Killed
1 1

Date: 11 June 2013
Source: Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Napaaga ang kamatayan ng  38-anyos na mister habang sugatan naman ang asawa nito makaraang pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa loob ng kanilang bahay sa Barangay San Roque, bayan ng Angat, Bulacan kamakalawa ng gabi. Dalawang tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ni Sonny Mirasol habang sa kaliwang binti naman tinamaan ng bala ng baril ang asawa nitong si Jocelyn Cabardo, 45, kapwa nakatira sa Sitio Sabang sa nasabing barangay. Sa ulat ng pulisya, nagpapahinga ang mag-asawa sa loob ng kanilang bahay nang pasukin at pagbabarilin. Sinisilip ng mga imbestigador ng pulisya ang anggulong love triangle ang isa sa motibo ng pamamaril.