Injured | Killed |
---|---|
0 | 2 |
Date: 08 May 2013
Source: Pilipino Star Ngayon
QUEZON, Philippines – Pinabulagta ang mag-asawa na sinasabing campaign supporter ng kandidato makaraang pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa bakuran ng kanilang tahanan sa Barangay Banugao, bayan ng Infante, Quezon kamakalawa ng hapon. Tatlong tama ng bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Pio Astejada, 42, habang napuruhan naman sa dibdib si Amelia Astejada, 44. Sa ulat ng pulisya, nakikipag-kuwentuhan sa kanilang mga kapitbahay ang mag-asawa tungkol sa isyung pulitika nang lapitan at ratratin ng tandem assassins na kapwa naka bonnet. Sinisilip naman ng mga imbestigador ng pulisya ang anggulong may bahid-pulikita at bentahan ng bawal na droga.