Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 31 March 2013
Source: Bombo Radyo
BUTUAN CITY – Patuloy ang hot pursuit operation sa tatlong mga suspek na responsable sa naganap na panghoholdap sa mag-asawang Elizabeth at Ryan Rey Cuenca, matapos magpa-encash sa BDO-Butuan Branch sa lungsod kahapon.
Ayon kay S/Insp. Jassen Tuario, station commander ng Butuan City Police Station (BCPS-3), nag-deploy na sila ng mga tauhan upang ma-trace ang hindi nakilalang mga suspek.
Iniimbestigahan din nila ang dalawang mga pulis na na-assign sa isang police box sa harapan ng Enterprise Bank kung saan naganap ang insidente dahil wala itong kahit na isang pulis nang maganap ang insidente.
Ayon sa opisyal, araw-araw namang may naka-assign na mga pulis sa bawat police kaya’t kanila pang aalamin kung may katotohanang nananghalian ang naka-duty nang maganap ang insidente.
Noong Biyernes lamang ng umaga ay umaabot sa P500,000 cash ang natangay ng hindi nakilalang mga suspek responsable mula sa kawi-withdraw pa lang na isa sa mga kliyente ng BDO-JC Aquino branch.