Injured | Killed |
---|---|
1 | 0 |
Date: 18 February 2013
Source: Bombo Radyo
LAOAG CITY – Nasa kustodiya ng PNP Laoag ang mag-amang Gerry at Jonel Gamban, residente ng Brgy Cavit sa lungsod ng Laoag matapos ang nangyaring pamamaril sa Monro Island.
Ayon sa PNP, sasampahan ng kaso ang mag-amang Gamban kung hindi sila magsasalita tungkol sa nangyaring pamamaril kung saan itinuturo ang isa pang anak ni Gerry na si Junel Gamban na bumaril kay Gerry Bernabe, residente naman ng Brgy. Lapaz, Laoag City.
Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP na kasama rin ng biktima ang kanyang anak na si Herald Bernabe nang magkainitan ang dalawang kampo sa nasabing isla.
Hinabol umano ng mag-aamang Gamban ang mag-amang Bernabe hanggang sa binaril ni Junel Gamban si Bernabe.
Si Bernabe ay tinamaan sa kanyang paa ng hindi pa matukoy na uri ng baril.
Patuloy ang imbestigasyon sa naturang insidente.