Injured | Killed |
---|---|
0 | 2 |
Date: 17 April 2013
Source: Bombo Radyo
NAGA CITY – Patuloy na iniimbestigahan ngayon ng mga otoridad ang nangyayaring pagbaril-patay sa mag-ama sa Camarines Sur.
Batay sa impormasyon alas-4:30 kahapon pauwi na ang mag-amang kinilalang sina Salvador Marquez Sr. 63, at Salvador Marquez Jr. nang abangan ng hindi nakilalang mga suspek.
Binaril ng mga suspek ang mag-ama hanggang sa mamatay dahil na rin sa tinamong tama ng bala sa Barangay Mag-Ogob sa bayan ng Ocampo.
Napag-alaman na galing sa kanilang palayan ang mga biktima nang mangyari ang insidente.
Sa ngayon hindi pa malaman ang motibo sa nasabing krimen.