Injured | Killed |
---|---|
2 | 0 |
Date: 21 April 2013
Source: Bombo Radyo
TACLOBAN CITY – Inoobeserbahan ngayon sa pagamutan ang mag-ama matapos itong barilin ng mga pinaghihinalaang miyembro ng akyat-bahay gang sa Sitio Cacawan, Brgy. Tagkip, Dagami, Leyte.
Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Tacloban mula kay S/Insp. Allan Novales, hepe ng Dagami Municipal Police Station, pinasok umano ng tatlong magnanakaw ang pamamahay ng mag-asawang sina Virgilio at Judith Escapatoria at sapilitang tinangay ang p30,000 ng mag-asawa.
Nagpaputok pa umano ang mga suspek, dahilan upang dumungaw ang mag-ama sa bahay ng mag-asawang Escapatoria ngunit sa kasamaang palad ay sila ang binaril ng mga magnanakaw gamit ang handmade shotgun.
Nagtamo ng tama sa dibdib ang 17-anyos na binatilyo habang tinamaan naman sa tiyan ang tatay nitong si Orsulo Fernandez, 47.
Sa ngayon ay pinaghahanap ng mga otoridad ang hindi pa nakikilalang mga suspect.