Injured | Killed |
---|---|
1 | 0 |
Date: 05 July 2013
Source: Bombo Radyo
NAGA CITY – Kulong ang isang lolo sa Labo, Camarines Norte matapos na gahasain ang sariling apo.
Kinilala ito na si Ernesto Villalon y Epa “Lolo Erning”, 61, isang magsasaka sa Purok 5, Barangay Dalas.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PO1 Charito Rendon, kinumpirma nito na biktima ng suspek ay ang menor de edad nitong apo.
Aniya, 2005 pa umano ang nasabing kaso kung saan liban sa kasong rape ay nahaharap din ito sa kasong paglabag sa RA 7610.