Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 10 June 2013
Source: Phil Star Pang Masa
BULACAN , Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa 67-anyos na trike driver makaraang hatawin ng baseball bat ng barangay tanod sa terminal ng traysikel sa Barangay Sta. Rita, bayan ng Guiguinto, Bulacan kahapon ng umaga. Napuruhan sa ulo at hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si Rogelio Andreas habang tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Dennis Caluag, 35, fixer sa LTO-Guiguinto Branch at kapwa nakatira sa Barangay Ligas sa Malolos City, Bulacan. Base sa ulat ng pulisya, naganap ang krimen bandang alas-5:30 ng umaga sa terminal ng Ligas-Bungahan-Sumapa TODA sa nasabing barangay.