Lolo, inireklamo ng rape na 18-anyos na may problema sa pag-iisip

Injured Killed
1 0

Date: 13 April 2013
Source: Bombo Radyo

NAGA CITY – Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa isang lolo sa Quezon Province matapos gahasain ang isang 18-anyos na dalagita na may problema sa pag-iisip.

Kinilala ang suspek sa pangalang Renato, 60, mula sa bayan ng Mulanay.

Batay sa ulat na ipinadala sa Bombo Radyo Naga, inireklamo ng biktimang itinago sa pangalang Mari ang suspek dahil sa umano’y panggahasa sa kanya sa loob ng kanilang bahay.

Ayon sa sumbong ni Mari, gabi noong Abril 9 nang sapilitan siyang hubaran at halikan ng suspek.

Hinawakan din umano ang kanyang maseselang bahagi ng katawan hanggang sa ituloy ang masamang binabalak.

Dahil sa takot, agad itong nagsumbong sa kaanak maging sa mga otoridad.

Nananatili sa kulungan ang suspek habang nakatakdang isailalim sa counseling ang biktima dahil sa nangyari.