Injured | Killed |
---|---|
1 | 0 |
Date: 30 June 2013
Source: Bombo Radyo
KALIBO, Aklan – Isang 42-anyos na lodging house attendant ang inakusahan ng panggagahasa ng kanyang 21-anyos na kasamahan sa trabaho sa Kalibo, Aklan.
Ang biktima ay kinilalang si alyas Christy, residente ng Kalibo, Aklan habang ang suspek ay si Dondino Osipe, may asawa at residente ng Brgy. Fulgencio Norte, Balete, Aklan.
Ang dalawa ay kapwa nagtatrabaho sa RB Lodge Kalibo.
Base sa reklamo ng biktima sa Women and Children Protection Desk ng Kalibo PNP Station, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang nangyari umano ang panggagahasa sa kanya ng katrabaho sa loob ng isa sa mga kwarto sa naturang lodging house.
Samantala, mariing pinabulaanan ng suspek na ni-rape niya ang katrabaho.
Ayon kay Osipe, ang babae mismo ang nagsutsut sa kanya na pumasok sa kwarto kung saan ay nakatihaya na umano nito sa kama ng kanyang datnan.
Maliban dito, dinakma rin umano ng babae ang kanyang ari sa paglapit pa lamang nito sa kanya.
Pareho umano nilang ginusto ang nangyari sa kanilang dalawa.
Napag-alaman ang suspek ay halos isang taon na ring nagtatrabaho sa lodging house habang ang biktima ay mag-iisang buwan pa lamang.
Nakatakda namang isailalim ang biktima sa medical examination upang malaman kung ito ay nagalaw.