Injured | Killed |
---|---|
1 | 0 |
Date: 03 May 2013
Source: Bombo Radyo
LEGAZPI CITY – Labis na galit ang nagtulak sa 41-anyos na lalaki na pagtatagain ang kanyang kapitbahay na nagtangkang gahasain ang kanyang live-in partner sa lalawigan ng Albay.
Kinilala ang biktima na si R-jay Rañosa y Castilar, 34, at residente ng Brgy. Talisay, bayan ng Oas.
Sa ulat na ipinaabot sa Bombo Radyo Legazpi, napag-alaman na bandang alas-6:20 ng gabi nang masaksihan ng suspek na si Ronald Romero y Desuyo na hinila ng biktima ang kanyang kinakasamang si Gemma Orap papasok sa bahay nito.
At nang kanyang komprontahin ang live-in pertner, sinabi nito na tinangka siyang gahasain ng biktima.
Dahil dito, agad na uminit ang ulo ng suspek at kumuha ng itak saka sumugod sa bahay ni Rañosa.
Nang magkatagpo ang dalawa, bigla na lamang nitong pinagtataga ang kapitbahay.
Mabuti na lamang at nakapagresponde ang mga residente sa lugar kung saan, naisugod naman sa ospital ang biktima habang kusang sumuko ang suspek sa mga otoridad.