Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 27 April 2013
Source: http://www.abante.com.ph/issue/apr2713/vismin02.htm#.UXu3FbVvCC0
Kaawa-awa ang sinapit ng isang ginang sa kamay ng kanyang live-in partner na 29-anyos matapos itong malagutan ng hininga dahil sa panggugulpi na inabot mula sa suspek sa lalawigan ng Samar.
Sa report sa Camp Crame, kinilala ang biktimang si Maricris Salazar, 37, na halos ‘di na makilala dahil sa bugbog na inabot mula sa live-in partner na suspek na si Jonathan Bagual, 29, na ngayon ay hawak na ng PNP.
Sa salaysay ng panganay na anak ng suspek at biktima na si Mark Jun, pasado alas-sais ng gabi umano nitong Huwebes nang makisuyo ang kanyang ina sa ama na kunin ang isang sako ng bigas sa kanilang kapitbahay.
Sa halip na tumalima ang ama ay narinig na lamang ni Mark Jun na nag-aaway na ang kanyang mga magulang hanggang sa marinig nito ang ginagawang panggugulpi sa ina. Natigil lamang umano ang palahaw nito pasado alas-10:00 na ng gabi kamakalawa.