Lider ng purok dinukot, inutas ng NPA

Injured Killed
0 1

Date: 03 October 2013
Source: Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ilang araw matapos na dukutin, tuluyang pinatay ang 57-anyos na lider ng purok na mapagkamalang  asset ng militar matapos itong pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army sa Barangay Malabog, Davao City, Davao del Sur, ayon sa opisyal kahapon.

Kinilala ni Captain Raul Villegas, spokesman ng Army’s 10th Infantry Division, ang napatay na si Leonilo Sasil kung saan natagpuan ang bangkay nito sa tabing kalsada sa Sitio Kapihan sa nabanggit na barangay kamakalawa ng gabi.

Sa imbestigasyon, ang biktima ay dinukot ng mga rebelde mula sa nabanggit na barangay dahil sa pag-aakalang asset ito ng militar.

Inakusahan din ang biktima na siyang nagsuplong sa AFP troops sa aktibidades ng NPA na nagresulta sa serye ng pagkagapi ng mga ito sa operasyon ng militar.

Kaugnay nito, kinondena naman ni Lt. Col Inocencio Pasaporte, commanding officer ng Army’s 69th Infantry Battalion ang pagdukot at pagpatay sa sibilyang si Sasil.

Itinanggi rin ng opisyal na si Sasil ay informer ng tropang gobyerno na tumutulong sa mga residente dahil isa itong lider sa kanilang komunidad.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sa tala ng military, bukod kay Sasil ay dalawa pang lider ng komunidad ang pinaslang ng NPA na kinilalang sina Premjune Cabatuan at Totoy Siloy sa nasabing lungsod.