Lider ng bus robbery group, dedo sa shootout

Injured Killed
0 1

Date: 27 September 2013
Source: Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang sinasabing lider ng isang bus robbery group matapos ang naganap na shootout sa Mandaluyong City kahapon ng mada­ling-araw, na nagresulta rin sa pagka­kadakip ng kanyang dalawang kasamahan.

Kinilala ni P/Senior Supt. Florendo Qui­buyen­, hepe ng Mandaluyong Police, ang suspek na si Jonathan Ecleo, 33, na itinuturong lider ng Calbayog-Fabella bus robbery group, na nambibiktima ng mga pasahero sa Mandaluyong City at mga kalapit na lungsod.

Si Ecleo ay idineklarang dead-on-arrival sa Mandaluyong City Medical Center (MCMC) dahil sa tinamong mga tama ng bala sa katawan.

Samantala, dalawa sa kanyang mga kasamahan ang naaresto ng mga pulis na nakilalang sina Jesus Ecleo, 33; at Mariano Lim-It, 32, na kapwa residente ng Brgy. Highway Hills, Mandaluyong City.

Batay sa imbestigasyon na isinagawa ni SPO1 Joemer Puzon, naganap ang shootout dakong alas-12:00 ng madaling-araw sa Francisco St. corner Ballesteros St., sa Brgy. New Zaniga.

Nauna rito, hinoldap umano ng grupo ang isang bus sa Mandaluyong City dakong alas-3:00 ng hapon, na ikinasugat ng isa sa mga pasahero na nakilalang si Phennyron Christian Agustin, ng Barangy Sto. Niño, Marikina City.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Pagsapit ng alas-7:00 ng gabi ay muling­­ nambiktima ang grupo sa Makati City. Sinabi ni Quibuyen na nakatanggap sila ng impormasyon na muling manghoholdap ng bus ang grupo sa Mandaluyong City kaya’t kaagad silang nagpakalat ng dagdag na pulis sa kahabaan ng EDSA.

Nagpapatrulya naman ang mga operatiba ng Anti-Vice Division sa EDSA, kanto ng Reliance St. at dito natiyempuhan ang mga suspek na lulan ng taxi patungong EDSA.

Pinara ng mga pulis ang taxi ngunit biglang pinaputukan ng mga suspect sanhi para gumanti ang mga parak na ikinasawi ni Ecleo.

Narekober sa pag-iingat ng mga suspek ang isang home-made revolver .32 na may mga live bullets, dalawang home-made .38 revolver at isang balisong.