LGUs tiniyak ang pagtugon sa mahigit 2,000 pamilya na lumikas sa N. Cotabato

Injured Killed
0 0

Date: 30 September 2013
Source: Bombo Radyo

Tinutugunan na umano ngayon ng lokal na pamahalaan ng North Cotabato ang pangangailangan ng nasa 2,000 pamilya na lumikas kasunod nang nangyaring sagupaan sa pagitan ng militar at miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

 

Ayon kay North Cotabato Gov. Emmylou Mendoza, nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Social Welfare and Development para mabigyan nang kaukulang atensyon ang pangangailangan ng mga apektado nilang kababayan.

 

Ngayong araw, narescue na rin ng mga otoridad ang natitirang siyam na mga guro na kasamang binihag kahapon ng mga rebelde sa bayan ng Midsayap.

 

Ayon kay AFP’s 6th Infantry Division spokesperon Col. Dickson Hermoso, napilitang iwanan ng mga rebelde ang mga bihag sa gitna nang hot pursit operations sa kanila ng government froces sa Brgy. Malingao.

 

Narekober na rin umano ang bangkay ng dalawang sibilyan na pinatay ng mga rebelde, kabilang ang pinugutan ng ulo na si Ricarte Junio.