Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 31 March 2013
Source: Bombo Radyo
ROXAS CITY – Nilooban ng hindi nakilalang mga suspek ang isang Micro Finance Corporation sa bayan ng Ivisan, Capiz.
Umaabot sa P200,000 ang perang natangay ng mga suspek mula sa winasak na vault ng Negros Women for Tomorrow Foundation o mas kilala sa Project Dungganon sa Poblacion Norte, Ivisan, Capiz.
Naniniwala ang mga kasapi ng Ivisan PNP na pagnanakaw ang layunin ng mga suspek dahil hindi ginalaw ang mesa ng mga empleyado kundi ang vault lamang ang winasak at kinuha ang nakatagong pera.
Isinasailalim na rin sa finger printing ng mga kasapi nga Scene of the Crime Operatives (SOCO) Capiz ang mga empleyado ng nasabing tanggapan dahil lahat ay suspek sa nangyari.