Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 05 May 2013
Source: Bombo Radyo
LOILO CITY – Patay ang isang punong barangay matapos pinagtulungan na saksakin ng dalawang suspetsado sa Barangay Nasaka, Maasin, Iloilo.
Ang biktima ay si Punong Barangay Federico Sales na nagtamo ng hindi bababa sa limang sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kawatan.
Ang mga suspek naman ay nakilalang sina Alex Banero at Elvi Labrador.
Ayon kay PO3 Elmer Lenteja ng Maasin Municipal Police Station, nasa inuman ang kapitan sa tindahan na pagmamay-ari nina Julieta at Manuel Iwag.
Lasing na ang Punong Barangay nang bibili pa sana ng inumin ngunit hindi na pinagbentahan ng tindahan.
Dahil dito tinangka ng Punong Barangay na bumunot ng kutsilyo subalit pinigilan ito ng mga suspetsado na sina Banero at Labrador at doon na nasaksak ang biktima.
Dating alitan ng biktima at ng isa sa mga suspetsado na si Banero ang tintingnan na motibo sa insidente.
Na-recover naman sa pinangyarihan ng insidente ang kutsilyo na ginamit sa pagsaksak sa biktima at nakuhaan din ng kutsilyo ang namatay na biktima.