Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 05 July 2013
Source: Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines – Kilala na ang lalaking natagpuang tsinap-chop sa Caloocan kung saan love triangle at pagnanakaw ang ilan sa mga anggulong tinitingnan ngayon ng pulisya na motibo sa krimen.
Positibong kinilala ng mga kaanak ang biktimang si Carmelo Villaroel, 22, ng Kaong St., Amparo Subdivision, ng naturang lungsod.
Sa pahayag ng ka-live-in ng biktima na si Jessica del Rosario, dakong alas-4:00 ng hapon noong Hunyo 29 nang umalis ng kanilang bahay ang biktima.
Dakong alas-5:30 ng hapon ay nakipagkita ang biktima sa nobya nitong taga-Bulacan na may asawa na at makalipas ang kalahating oras ay naghiwalay din.
Dakong alas-3:00 naman kamakalawa ng hapon nang makita ang binti ng biktima sa madamong bahagi ng Anahaw St.,ng naturang subdivision, kung saan nahukay din ang ulo at ilang bahagi ng katawan ni Villaroel.
Lumalabas na nagsama ang biktima at ang nobya nito sa Maligaya, Quezon City sa kabila na may asawa na ang babae. Gayunman, napag-alaman din na nasangkot na rin ang biktima sa pagnanakaw sa mga computer shop sa kanilang lugar kung saan inaalam pa rin ng mga pulis ang tunay na motibo sa insidente.