Lalaking nang-rape ng 7-anyos kulong sa Dagupan City

Injured Killed
1 0

Date: 09 February 2013
Source: Bombo Radyo

DAGUPAN CITY – Nakatakdang sampahan ng kasong panggagahasa ang isang lalaki matapos ireklamo ng panghahalay ng isang pitong taong gulang na batang babae sa lungsod ng Dagupan.

Nahuli sa bayan ng Sual ang suspek na si Antonio Solayao, tubong Samar, Leyte matapos isagawa ang follow-up operation ng mga otoridad.

Hindi agad nakapag-sumbong ang biktima dahilan kaya nagawa pang makatakas ng suspek.

Ngunit nang mapaamin ang bata sa sinapit nito, dito na nagsagawa ng operasyon ang mga otoridad laban sa suspek.

Natunton ang suspek sa bayan ng Sual matapos ang isinagawang manhunt operation ng mga otoridad.

Sa ngayon ay hawak na ng mga pulis ang suspek habang isasailalim sa medico legal examination ang biktima.