Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 01 September 2013
Source: By dzmm.com.ph | 02:05 PM 09/01/2013
http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/Metro/Lalaking_nagbi-birthday,_patay_sa_pamamaril_sa_QC.html
Patay sa pamamaril ang isang lalaking nagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong Linggo, Setyembre 1 sa Barangay Payatas-A, Quezon City.
Sinusuri ngayon ng scene of the crime operatives (SOCO) at Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang biktimang kinilalang si Edwin Simoy na nakabulagta sa labas ng isang mosque sa San Miguel extension matapos ang insidente.
Sa panayam ng Radyo Patrol sa kapatid ng biktima na si Evelyn Gargara, ika-48 na kaarawan ngayon ng kanyang kapatid na isang aircon technician.
Humingi pa aniya sa kanya si Simoy ng P4,000 nitong Sabado at laking gulat na lamang nang makita ang sinapit nito sa mismong birthday.
Blangko si Gargara sa motibo sa krimen.
Wala pang tukoy na suspek at mga testigo ang mga awtoridad habang patuloy ang imbestigasyon sa insidente. Report from Dennis Datu, Radyo Patrol 42