Lalaking makulit sa lamay, binaril at napatay sa Pangasinan

Injured Killed
0 1

Date: 03 October 2013
Source: Bombo Radyo

DAGUPAN CITY – Dead-on-the-spot ang isang lalaki matapos itong barilin habang nasa isang lamay sa lungsod ng San Carlos dito sa lalawigan ng Pangasinan.

 

Dalawang tama ng bala sa dibdib ang ikinasawi ng biktima si Raymond Layno, 23-anyos nang barilin ng suspek na si Jojo Austria, isang negosyante na dating amo ng biktima.

 

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga otoridad na nasa isang lamay ang dalawa sa barangay Agdao sa nasabing lungsod nang bigla itong barilin ng suspek dahil umano sa kakulitan.

 

Nabatid na nagawa pa umanong makatakbo ng biktima subalit hinabol pa rin ito ng suspek at pinaputukan ng dalawang beses sa dibdib na dahilan ng kanyang pagkamatay.

 

Nagpapatuloy parin ngayon ang isinasagawang manhunt operation laban sa suspek na nakatakas matapos ang nagawang krimen.