Lalaking inaresto, patay nang tumalon sa patrol car ng pulis

Injured Killed
0 1

Date: 18 February 2013
Source: Bombo Radyo

KALIBO, Aklan – Patay ang isang 25-anyos na lalaki makaraang tumalon sa sinasakyang patrol car ng Banga PNP station sa Barangay Libas, Banga, Aklan.

Namatay habang ginagamot sa Aklan Provincial Hospital dahil sa tinamong pinsala sa ulo ang biktimang si Ramil Bigona, residente ng Libacao, Aklan.

Base sa report, naganap ang insidente nang arestuhin ng mga kapulisan ang biktima dahil sa alarm and scandal dulot ng sobrang kalasingan.

Habang sakay umano ng patrol car kasama ang tatlong police escort, hindi pa rin ito tumitigil sa pagwawala hanggang sa bigla na lamang itong tumalon sa sa sasakyan.

Dahil sa bilis ng pangyayari ay hindi na umano ito napigilan ng mga kasamang pulis.

Kaagad itong isinugod sa ospital ngunit namatay rin.

Sa ngayon gusto ng pamilya Bigona na imbestigahan ang pangyayari.