Injured | Killed |
---|---|
1 | 0 |
Date: 05 May 2013
Source: Bombo Radyo
LEGAZPI CITY – Kritikal ngayon ang isang lalaki makaraang pagsasaksakin ng kainuman sa bayan ng Bacacay, Albay.
Kinilala ang biktima na si Armando Alarcon y Bibal at residente ng Barangay Tambongon, nasabing bayan.
Sa imbestigasyon, nasa kasiyahan ang magkakaibigan sa mismong bahay ni bgy. Kagawad Analiza dela Cruz bandang alas-3:00 ng hapon dahil kapiyestahan.
Subalit dahil sa pawang nakainom na ang lahat, bigla na lamang na nag-amok ang suspek na si Javier Batalla at pinagsasaksak ang biktima.
Agad naman na nakatakas si Alarcon sa kabila ng maraming tama papalayo ang suspek.
Sa ngayon, nananatili pa sa ospital ang biktima.
Patuloy rin ang imbestigasyon ng mga otoridad sa motibo at posibleng kinaroroonan ng suspek.