Lalaki sa Surigao del Sur, patay matapos tamaan ng bato

Injured Killed
0 1

Date: 21 October 2013
Source: Bombo Radyo

BUTUAN CITY – Boluntaryong sumuko sa pulisya sa bayan ng Bayabas, Surigao del Sur ang isang lalaki matapos batuhin-patay ang kanyang kababayan dakong alas-7:30 ng gabi sa Purok 3, Barangay Magobawok, sa naturang bayan.
 
Ayon sa suspek na si Ronald Acevedo Paimalan, binata at residente ng Purok 1, Brgy. Magobawok, nag-inuman sila ng kanyang mga kaibigan sa tindahan ni Nora Besinga nang biglang dumating ang biktimang si Elecio Lozada Logronio, 38, may asawa at residente ng Barangay Amag, sabay panggugulo. 
 
Nang sinita ito ng suspek ay nagalit pa ang biktima at sinuntok si Acevedo na nakailag naman kung kaya’t binato nito ng dalawang beses na tumama sa ulo kanyang ulo resulta sa agaran nitong pagkamatay.