Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 13 May 2013
Source: Bombo Radyo
VIGAN CITY – Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek sa bahagi ng San Jose, Narvacan, Ilocos Sur.
Nakilala ang biktima na si Mario Cacho, 44, residente ng Brgy. Sta. Lucia ng nabanggit na bayan.
Ayon sa pulisya tutulungan sana ng biktima ang kanyang misis dahil nagkaaberya ang kanyang motorsiklo nang biglang sumulpot ang isang lalaki at pinagbabaril ang bitkima.
Tama sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng biktima lalo na sa kanang bahagi ng dibdib.
Sa paunang imbestigasyon, posibleng wala itong kinalaman sa pulitika.
Sa ngayon ay nakatakdang kausapin ng kapulisan ang misis ng biktima para sa pagkakilanlan ng suspek.