Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 14 May 2013
Source: Bombo Radyo
TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Patay ang isang lalaki matapos na magkabarilan umano ang dalawang magkalabang partido sa isang lomihan sa bayan ng Tuao Cagayan habang nasa kasagsagan ang botohan kahapon.
Kinilala ang namatay sa pangalang Jomar Littaua sa Brgy Alabog sa bayang nabanggit, habang hindi pa mabatid kung sino ang suspek na sinasabing isa umanong punong barangay doon.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad, kumakain ang dalawang grupo nang magkainitan at nagkabarilan.
Tinamaan sa ulo ang biktima na dinala agad sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival nang sumuring doktor.
Nakuha sa pinangyarihan ng insidente ang 16 na slugs ng .45 kalibre na baril.
Bukod dito, sinisiyasat na rin ng mga otoridad kung kanino ang dalawang van na naiwan sa lugar na pinaniniwalaang sinakyan ng dalawang grupo na agad na tumakas pagkatapos ng insidente.
Ang Tuao ay balwarte nina Secretary Manny Mamba.
Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad.