Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 31 August 2013
Source: Bombo Radyo
CAGAYAN DE ORO CITY – Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang suspek sa pagpatay at pag-chop-chop sa isang lalaki na itinapon sa may Talakag, Bukidnon.
Kinilala ang biktima na miyembro ng BM-29 na si Alfie Balacuit, 35, at residente ng Barangay 32 sa lungsod.
Nakita na lamang ng mga residente ang bangkay ni Balacuit na itinapon sa tulay kung saan pinutol pa ang kaniyang dalawang kamay at paa gamit ang itak.
Sa naging imbestigasyon ng kapulisan, kanilang napag-alaman na si Balcuit ay isang notorius na magnanakaw na responsable sa sunod-sunod na kasong pagpananakaw sa lungsod.