Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 03 May 2013
Source: Bombo Radyo
KORONADAL CITY – Patay ang isang lalaki matapos itong mapugutan ng ulo.
Kinilala ang biktimang si Benigno Satore isang iligal na minero na tubong Pantukan, Compostela Valley.
Nangyari ang naturang insidente sa Purok. Lumanta, Brgy. Tablu, Tampakan, South Cotabato habang nagsisibak ng kahoy ang biktima sa kanilang bahay kung saan bigla na lamang itong tinaga sabatok ng di pa nakilalang suspek na naging dahilan ng pagkamatay nito.
Ang biktimang si Satore ang pinaniniwalaang sangkot sa illegal na mining sa Barangay Tablu ng naturang bayan.
Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon hinggil sa responsible sa nasabing krimen at inaalam pa motibo nito.