Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 26 January 2013
Source: Ni Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) | Updated January 25, 2013 - 12:00am
ILAGAN CITY, Philippines – Pinaniniwalaang ‘di-epektibo ang pinapatupad na Comelec gun ban makaraang pagbabarilin at mamatay ang isang kawani ng jueteng ng riding-in-tandem gunmen sa Barangay Sta. Maria, Aurora, Isabela kamakalawa. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Simplicio Martin ng Brgy. Bagnos sa nasabing bayan. Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na kausap ng biktima ang kanyang ka-live-in sa gilid ng kalsada nang lapitan at ratratin ng gunmen. Gayon pa man, ‘di-idinamay ang ka-live-in ng biktima. Sinisilip ng mga imbestigador ang anggulong alitan sa lupa at ang sinasabing sangkot sa kasong pagpatay ang biktima sa kanilang barangay.