Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 28 May 2013
Source: DZMM ABS CBN
Patay ang isang construction foreman matapos holdapin ang sinasakyan nitong pampasaherong jeep sa San Pablo City, Laguna.
Batay sa imbestigasyon ng San Pablo City Police, kinilala ang biktima na si Nelson Gesmundo, 41-anyos, residente ng San Gabriel.
Pasado alas-7:00 Linggo ng gabi, patungo sa city proper ang sinasakyang jeep ni Gesmundo nang sumakay ang dalawang suspek na nagbunot ng baril at nagdeklara ng holdap.
Nilimas ng mga ito ang mga gamit at pera ng mga pasahero.
Tumanggi umano si Gesmundo na ibigay ang kanyang wallet kaya binaril ng isa sa mga suspek na tumama sa kanyang dibdib.
Naisugod pa sa pagamutan ang biktima pero idineklarang dead-on-arrival.
Nakilala naman ang isa sa tumakas na suspek na si Ronnel Piñana matapos positibong maituro ng mga testigo sa gallery ng pulisya.
Sa ngayon pinaghahanap pa rin si Piñana at mga hindi pa nakikilang kasamahan nito. Report from Ronilo Dagos, DZMM Correspondent