Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 03 October 2013
Source: Bombo Radyo
NAGA CITY – Nahaharap sa kaukulang kaso ang magkapatid matapos mapatay ang isang lalaki sa Daet, Camarines Norte.
Ang biktima ay kinilalang si Jaime Gamas y Ramos alyas Igot na walang permanenteng tirahan.
Sa impormasyon na nakuha ng Bombo Radyo Naga mula sa Camarines Norte Police Provincial Office, kaharap ng biktima ang mga kaibigan sa Daet-Mangcamagong via Basud Terminal sa Vicente Basit St., Purok 4, Barangay VI at nakikipag-inuman ng lapitan ng isang Frederick Enciong.
Kinumpronta nito si Gamas at biglang sinapak sa hindi malaman na dahilan.
Matapos nito, bigla naman na lumapit ang kapatid ni Enciong na hindi pa malaman ang pangalan at biglang sinaksak sa likod ang biktima.
Nadala pa sa ospital ang biktima ngunit hindi rin nagtagal at binawian ng buhay dahil na rin sa maselang sugat sa katawan.